Martes, Marso 13, 2012

My Endless Love by Debbie T.

My Endless Love

Author: Debbie T.


I loved you the moment
I saw your precious face.
You took hold of my heart;
Made it your own special place.

No one comes before you
And no one loves you more.
When you came into my life,
You made my spirit soar.

I can only love you
Until the day I die.
I pray you will be there
When it's time to say goodbye.

Take my hand and hold me;
Help my spirit fly.
Let your face be the last
I see before I die.

You are my endless love.

A sample of a Formal letter

New Era University
College of Education
No. 9 Central Ave. New Era,
Quezon City


February 2, 2012


Dr. Agapito T. Lera
Principal

Judge Feliciano Belmonte Sr. High School
AFP Road Brgy. Holy Spirit
Quezon City

Dear Dr. Agapito T. Lera:

Greetings to you, the Faculty Members and Staff!
The bearers of this letter, Ma. Danica T. Bautista, Cristine A. Boco and Shermaine S. Villarin students in FSC 2-05 this second semester of the current academic year.
May we ask you a favor by allowing them to visit your school as needed and observe classes?
Thank you very much for your support and cooperation in the learning exposures of our students.

Yours truly,
(Signature)
Lucila B. Bondoc
Professor

Linggo, Marso 11, 2012

constellations

from:http://www.physics.unlv.edu/~jeffery/astro/constellation/constellation_north.gif
I love stars

moon

a must see

http://www.google.com/moon/

lesson plan

BANGHAY-ARALIN SA SIBIKA AT KULTURA
Pag-aangkop ng hanapbuhay sa kapaligiran ng mga Pilipino



TCC 2-05
10:00-11:30






Ipinasa nina:
Chenee Rose de Vera
April Rose Paguinto
Rapunzel A. Esquilon
Ma.Danica T. Bautista






      I.        Layunin:
Pagkatapos ng pag-aaral na ito, inaasahan ang mga mag-aaral na:
a.    Natatalakay ang mga angkop na Hanapbuhay.
b.    Naibibigay ang ng mga uri ng hanapbuhay.
c.    Nailalarawan ang mga iba’t-ibang uri ng hanapbuhay.
    II.        Paksang Aralin:
A.    Paksa:  Pag-aangkop ng hanapbuhay sa kapaligiran ng mga Pilipino.
B.   Sanggunian: Kultura, kasaysayan at kabuhayan(Sibika at kultura III)
May akda: Lydia N. Agno, Grace Estela C. Mateo, Ph. D, Celina E. Balonso, Ph. D, Estelita B. Capina, Rosita D. Tadena, Ph. D,
Grace Estela C. Mateo, Ph.D. Editor/Konsultant
C.   Kagamitang Pampagturo: visual aids, graphic organizer at mga larawan
D.   Pagpapahalaga: Pag-iingat sa kapaligiran at pagkakaroon ng pangarap sa buhay.
   III.        Pamamaraan ng aralin:
A.   Panimulang Gawain:
a.    Pang araw-araw na Gawain
1.    Panalangin
2.    Pagsasaayos ng silid aralan
3.    Pagtatala ng liban sa klase

Gawain ng guro
Gawain ng mga mag-aaral
B.   Balik-tanaw

Magandang umaga sa inyo mga bata!

Bago natin simulan an gating bagong aralin, atin munang balik-tanawan an gating pinag-aralan kahapon. Ano ba ang ating paksa kahapon, mga bata?

Mahusay!

Ano nga ba ang dalawang uri ng pamayanan?

Tama!

Sino ang makapagbibigay ng kahulugan ng Rural?

Magaling!

Ano naman ang urban?




Lubos akong natutuwa sapagkat inyo pang natatandaan ang pinag-aralan kahapon.
Ngayon, magkakaroon muna tayo ng isang pampasiglang gawain. Gusto niyo ba ito mga bata?




Magandang umaga din po teacher

Ang dalawang uri ng pamayanan po.





Ito po ang Rural at Urban.



Dito po makikita ang pamayanang minahan, kagubatan, pansakahan at pangingisda.




Sa urban dito po makikita ang komersyal at industriya.



Opo!

C.   Pangganyak:

Magpapaikot ng isang bolang papel na itsurang repolyo at ipapasa sa katabi habang kumakanta ng bahay kubo. Bawat bata ay kukuha ng isang dahon at bawat dahon ay may nakasulat ngunit may piling dahon lamang ang bubuo sa salitang HANAPBUHAY. Pupunta sa harapan ang mga nakakuha ng mga dahon ng letra at bubuuin nila ito sa harap ng klase.


Pagakatapos nilang buuin ang mga mag-aaral ay may premyo.

 

D.   Pagtatalakay:

Ang paksang ating tatalakayin sa araw na ito ay ang pag-aangkop ng kabuhayan sa kapaligiran ng mga Pilipino.

Sa pagsisimula ng ating aralin sa araw na ito. Nais kong tingnan ninyong mabuti at suriin ang larawan na ito.
images.jpg







Ano ang inyong nakita?

Ano ang ginagawa ng magsasaka?

Mahusay!

Isang uri ng hanapbuhay sa pilipinas ay ang pagsasaka.

Ang pagsasaka ang pangunahing hanapbuhay sa ating bansa.
Salamat!
Ang ating bansa ay mayaman sa malalawak na lupain tulad ng kapatagan, lambak at iba pa.
Pagtatanim o pagsasaka ang naging pangunahing hanapbbuhay ng mga tao mula noon hanggang ngayon.

Ilan sa mga lugar dito sa Pilipinas ang may malalawak na sakahan:
Gitnang Luzon, Cotabato, IloIlo, Camarines Sur, Cordillera at Pangasinan.

Anu-anong mga produkto ang kinakain at ginagamit natin sa araw-araw ang nanggaling sa pagsasaka?
May makapagbibigay ba?

Mahusay!

Mahalaga ba sa atin ang mga magsasaka?

Bakit mahalaga sa atin ang pagsasaka?



Magaling!

Maliban sa pagsasaka mayroon pang ibang uri ng pamumuhay sa rural o probinsya. Ito ay ang pangingisda.

Sino sa inyo ang mahilig sa isda at lamang dagat?

Sa tingin ninyo, sino ba nagsusuplay sa atin ng mga isda at iba pang yamang tubig?

Ang mga magsasaka ang nagsusplay sa atin ng lamang dagat. Sila ay gumagamit ng mga Bangka, lambat, pamingwit at iba pa at dahil mayaman ang Pilipinas sa mga anyong tubig tulad ng dagat, lawa at ilog. Pangingisda ang isa sa karaniwang hanapbuhay ng mga taong nakatira sa pamayanang malapit dito.


Anu-ano ba ang maaari nating makuha sa dagat?

Tama! Napakahusay

Mayroon ako ditong larawan ng anyong tubig. Mayroon na itong hugis ng mga yamang tubig na maaari nating makuha dito.   Maaari nyo bang tingnan ang ilalim ng inyong upuan upang ang ilan sa larawang ididikit ayon sa hugis na nakaguhit dito sa dagat?

Anu-ano ba ang pakinabang natin sa mga ito?

Ang asin ay ginagamit natin bilang sangkap sa pagkain upang ito ay lalong sumarap.
Ang perlas at seashells ay ginagamit natin bilang dekorasyon sa ating katawan o alahas.
Ang isda, hipon, pusit, seaweeds, at tahong naman ay kinakain.

Sa inyong palagay, ano ang kahalagahan ng pangingisda sa atin?







Atin naman tatalakayin ang hanapbuhay na pagmimina.
Nais kong tingnan niyong mabuti ang larawan at suriin ito.



Ano ang inyong nakita?
Ang ating bansang ay maraming bundok at kabundukan. Ang pagmimina ay trabaho sa mga bundok. Ito ay ang paghahanap o pagkukuha ng mga bato o iba pa sa ilalalim ng lupa na pwedeng ibenta o pakinabangan.
Ano ang masasabi niyo sa larawan?
Ang minero ang mga taong kumukuha o naghahanap ng mga bato o iba pa sa ilalim ng lupa na pwedeng ibenta o pakinabangan.

Idikit sa larawan ng bundok ang mga minero.


Mayaman ang ating bansa sa mga mineral.
Anu-ano ang mga mineral sa bansa?
Kuhanin sa mga larawan ang mga mineral na nakukuha sa Pilipinas.


Radial Diagram



Ang mga deposito ng ginto ay matatagpuan sa Benguet, Camarines Norte, at Surigao del Sur. May tanso sa Lungsod ng Toledo sa Cebu at Benguet. May nickel at cobalt naman sa Surigao del Sur.
Kilala naman na pinagkukunan ng marmol ang Romblon at Bulakan.
Makukuha ang chromite at graba sa Zambales. Bakal at karbon naman sa Zamboanga del Sur. May langis sa Palawan. Marami namang apog sa Rizal, karbon sa antique at bakal sa Samar.

Sa tingin niyo mahalaga ba ang pagmimina?
At bakit?

mahusay!


Ngunit may masamang epekto rin ang pagmimina sa ating kalikasan dahil kapag binubutas nila ang lupa nawawalan ng suporta na pwedeng maging sanhi ng landslide kapag umulan.

Sunod naman nating tatalakayin ang ikaapat na hanapbuhay ang pagtrotroso.

Nais kong tingnan niyo at suriin ang larawan

Ano ang inyong nakita?

Mahusay!

Ang pagtrotroso ay isa ring mahalagang hanapbuhay sa bansa, lalo na sa mga lugar na malapit sa kagubatan.
Ang mga taong nagtrotroso ay tinatawag na magtrotroso.


May ibat’-ibang produkto sa pagtrotroso. Ito ang mga sumusunod:


Ang pagtrotroso ang pangunahing industriya sa mga lalawigan ng mga sumusunod:
  • Isabela
  • Aurora
  • Cagayan
  • Abra
  • Bataan
  • Samar
  • Davao del Sur

Bakit mahalaga ang pagtrotroso sa bansa?



Mahusay!

Kahit na nagbibigay ito ng trabaho kailangan nating pangalagaan ang mga kagubatan dahil kapag ito ang nasira pwedeng magkaroon ng sakuna tulad na lamang ng pagbaha at pagguho ng lupa o landslide kapag sobra sa pagpuputol ng puno. Kaya dapat kapag nagputol ng puno may itatanim na panibago.

Atin namang talakayin ang ukol sa hanapbuhay sa   Pamayanang Urban.

Ano nga ulit ang Urban?



Magaling!

Ang mga tao sa Urban ay karaniwang empleyado ng mga pribadong kumpanya o mga pamahalaan.

(tatawag ako ng ilang bata, upang idikit sa pisara ang larawan na ibibigay ko)
Nais kong idikit ninyo ang larawan sa angkop nitong hanapbuhay.

Radial Diagram

Mahusay ang inyong mga sagot!

Kayo mga bata, ano ba ang gusto niyong maging hanapbuhay paglaki?

Magagaling, sana matupad ninyo ang inyong nais paglaki.

Ano ba ang kahalagahan ng mga hanapbuhay na ito?



Sa inyong palagay dapat ba natin ikahiya, ang hanapbuhay na hindi propesyunal? Bakit kaya mga bata?


Bubuuin nga mga mag-aaral ang mga letra para mabuo ang salitang hanapbuhay




























Isang magsasaka po

Nagtatanim po



(babasahin ng mga bata)





(babasahin ng mga bata)










Palay o bigas, munggo, mais, tobacco, abaka, tubo at mga gulay.



Opo

Dahil sa kanila po nanggagaling ang mga palay, mais, tubo at mga gulay na kinakain natin.






Ako po

Ang mga mangingisda po!










Pusit, isda, hipon, koral, seashells, seaweeds.











Kung wala pong mangingisda at pangingisda na hanapbuhay ay wala po tayong makakain na mga isda, lamang dagat kung saan dito ay makukuha tayo ng mga protina, bitamina na makatutulong sa ating kalusugan.










Isang bundok






Isang minero




(babasahin ng mga bata)










































Opo, dahil pinagkakakitaan ito ng mga tao at dahil ginagamit natin ang mga produkto nito sa pang araw-araw






















Ang mga nakita ko po ay mga puno.


(babasahin ng mga bata)












































(babasahin ng mga bata)









Dahil maraming kasangkapan ang gawa sa kahoy at nakapagbibigay ito ng trabaho.













Dito po makikita ang mga industriya at komersyal.












































Gusto ko pong maging
(guro, doctor, abogado, seaman)



Mas mapapadali ang Gawain ng bawat isa po.


Hindi po, sapagkat lahat ng uri ng hanapbuhay ay mabuti, at ito ay nakakatulong sa kanilang pamilya. Hangga’t tama ang hanapbuhay mo at marangal ito ay hindi dapat ikahiya.








E.             Paglalapat
1.    Hahatiin ang klase sa apat na pangkat sa pamamagitan ng pagbibilang ng mga mag-aaral, 1 hanggang 4.
2.    Bawat pangkat ay bibigyan ng kani-kanilang pwesto sa loob ng silid aralan, ang una at ikalawang pangkat ay sa magkabilang gilid sa harapan at ang ikatlo at ikaapat na pangkat ay sa magkabilang gilid sa dulo ng silid.
3.    Bawat representante ng pangkat ay bubunot kung anong uri ng hanapbuhay ang kanilang isasadula. At ang may pinakamagandang pagsasadula ay mananalo.






  IV.        Paglalahat:
Bilang kabuuan ang hanapbuhay ay may taglay na napakahalagang bahagi sa ating buhay. Katulad na lamang sa mga rural ang mga pangunahing hanapbuhay doon ay ang pagsasaka, pangingisda, pagmimina at pagtrotroso. Samantalang sa urban, ang mga hanapbuhay dito ay ang mga pagiging guro, inhinyero, abogado, tindera, teknisyan, doctor atbp.






















   V.        Pagtataya:
Pagtapat-tapatin ang larawan ng hanay A sa hanay B.

Hanay A
Hanay B
1.
a.       pagtotroso
2.
b.      pagsasaka

c.       pagmimina
d.      pangingisda
e.      hanapbuhay sa urban
3.

4.

5.


  VI.        Takdang aralin:

Gumupit ng iba’t-ibang larawan ng hanapbuhay at lagyan ng kapsyon at idikit sa malinis na short bond paper at ilagay sa folder.